Balitang OFW: Gabay sa Mga Uri ng Kontrata, Renewal, at Termination sa Qatar
Para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na ngayon ay sumusunod sa work from home instruction ng inyong employer o nakaantabay sa payo ng gobyerno dahil napatigil ang iyong trabadho dulot ng (Covid-19) pandemic, narito ang ilang gabay mula sa National Human Rights Committee sa pagreview ng inyong kontrata, renewal nito o termination sa inyong pinagtratrabahuan sa Qatar.
Gaano katagal ang bisa ng isang kontrata?
Mayroong dalawang uri ng kontrata
- Fixed-term contract
- Indefinite contract
Ano ang ibig sabihin ng âfixed term contractâ?
Ang ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa isang employer sa ilalim ng kanyang administrasyon at pagsubaybay sa panahong pinagkasunduan sa kontrata na hindi lalagpas ng limang taon, at maaaring i-renew sa katulad na haba ng panahon.
Kapag natapos ang probationary period na nakasaad sa kontrata, wala sa anumang kampo (manggagawa o employer) ang maaaring mag-terminate ng kontrata bago ang panahong nakasaad. Kung hindi, ito ay maaaring tawaging ilegal na termination, at kakailanganing magbayad ng danyos ng kampong nagdulot ng pinsala sa kabilang kampo.
Ano ang ibig sabihin ng âopen o indefinite contractâ?
Ang ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa isang employer sa ilalim ng kanyang administrasyon at pagsubaybay sa loob ng hindi tiyak na haba ng panahon, at maaaring i-terminate ng anumang kampo ang kontrata kahit kailan nito naisin nang hindi nagbibigay ng dahilan paglagpas ng commitment period of the notice.
Gaano katagal dapat magbigay ng notice o paalaala sa isang open contract?
Kung ang kontrata ng trabaho ay indefinite (open), ang parehong kampo ay maaaring mag-terminate nito nang hindi nagbibigay ng dahilan, kung saan dapat ipaalam ng kampong nagnanais na itigil ang kontrata sa kabilang kampo sa mga sumusunod na paraan:
- Kung ang manggagawa ay sumasahod nang taunan o buwanan, ang notipikasyon o paalala ay dapat ibigay bago ang terminasyon ng kontrata sa loob ng hindi bababa sa isang buwan kung ang manggagawa ay nagserbisyo nang limang taon o mas mababa pa. Kung ang haba ng paninilbihan ay lagpas limang buwan, ang notice period ay hindi bababa sa dalawang buwan.
- Sa ibang mga kaso gaya ng kung ang manggagawa ay sumasahod nang arawan o base sa produksyon, ang notipikasyon ay dapat ibigay sa mga sumusunod na panahon:
⢠Kung ang haba ng paninilbihan ay mababa sa isang taon, ang notice period ay hindi dapat bababa sa isang linggo.
⢠Kung ang haba ng paninilbihan ay sa pagitan ng isa hanggang limang taon, ang notice period ay hindi dapat bababa sa dalawang linggo.
⢠Kung ang haba ng paninilbihan ay higit sa limang taon, ang notice period ay hindi dapat bababa sa isang buwan.
Ano ang patakaran sa sitwasyon kung saan ang aking kontrata ay itinigil nang mas mababa sa notice period?
Ang taong may nagtigil na kontrata nang hindi sumunod sa notice period ay dapat magbayad sa kabilang kampo ng sahod na katumbas ng isasahod sa loob ng notice period.
Ano ang haba ng âprobation periodâ sa isang kontrata?
Ang haba ng probation period sa isang kontrata ay ang panahon kung kailan ang manggagawa ay inilalagay sa probasyon para patunayan ang pagiging angkop na ipagpatuloy ang trabaho, at ito ay hindi lalagpas sa anim na buwan, mula sa araw na nagsimula siyang manilbihan.
Maaaring tapusin ng employer ang kontrata sa loob ng probationary period, kung ipapaalam niya ito sa iyo tatlong araw bago ang pinlanong pagterminate ng kontrata.
Maari ba akong ilagay ng aking employer sa isang posisyong hindi namin pinagkasunduan?
Oo, kung ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente o isang remedyo sa resulta ng aksidente.
Maari rin kung ang trabaho ay pansamantala lang, hindi nalalayo sa orihinal na napagkasunduang trabaho at hindi umaabuso sa iyong karapatan. Dapat ay hindi mababawasan ang sweldong inyong pinagkasunduan.
Ano ang âvocational training contractâ?
Inoobliga ng Labor Law ng Qatar ang employer na nagpapatrabaho ng limampu o higit pang manggagawa na bigyan ng pagsasanay ang katumbas sa 5% ng kabubuang dami ng manggagawa mula sa mga Qatari na kinilala ng Labor Department ng Ministry ayon sa aprubadong training program mula sa Ministry.
Ang vocational training contract ay dapat na nasusulat at naglalaman ng uri ng trabaho o propesyon, kung gaano kahaba ang pagsasanay, ang mga hakbang ng pagsasanay, at ang halaga ng ibabayad sa trainee.
Ang bawat kampo ay maaaring i-terminate ang training contract sa anumang panahon kung lehitimo ang dahilan bastaât may nakahandang kasulatan ng notipikasyon o paalala na hindi bababa sa pitong araw bago ang nakatakdang petsa ng terminasyon.
Ano ang âtemporary contractsâ?
Ang temporary contracts ay mga kontrata para sa trabahong inaaasahang makukumpleto sa loob ng limitadong panahon, o nakatuon sa isang partikular na gawain at natatapos sa pagkatapos din ng gawaing ito, gaya pagbibigay ng serbisyo ng manggagawa sa isang selebrasyon, pagpupulong, o katulad na gawain, o ang pagpipinta o pagsasaayos ng bahay ng employer.
Ang temporary contract ay nagwawakas kapag natapos ang gawaing pinagkasunduan sa kontrata. Kapag hindi inanunsyo ng employer na i-renew ang iyong kontrata o ipasa ka sa ibang employer, kailangan mong umalis ng bansa dahil ang kontrata mo ay mawawalan ng bisa.
Ang kontrata ko bang fixed term ay awtomatikong mairerenew kapag nagpatuloy akong magtrabaho pagkatapos matapos ng kontrata kung hindi tututol ang aking employer?
Kung ang kontrata ay fixed-term at ang parehong kampo ay patuloy na sumusunod sa mga nakasaad dito pagkatapos mag-expire ng kontrata nang walang tahasang pagsasang-ayunan, ang kontrata ay itinuturing na nai-renew sa loob ng hindi tiyak na panahon nang may katulad na kondisyon, at ang panahon ng renewal ay ituturing na extensyon ng nakaraang panahon ay kukwentahin mula sa petsa na nagsimulang manilbihan ang manggagawa sa unang pagkakaton.
Kung ang trabahong nakasaad sa kontrata ay natapos at nagpatuloy ang aking paninilbihan na hindi tinututulan ng employer, maaari ba itong ituring na pagpapanibago ng kontrata?
Kung ang kontrata ay para sa pagtupad ng isang ispesipikong gawain, ang kontrata ay magwawakas kapag nakumpleto na ang gawain. Kung likas sa trabaho ang maaaring i-renew, at ang kontrata ay patuloy na sinusunod hanggang sa ang gawain ay makumpleto, ang kontrata mo ay ituturing na renewed sa ganoon ding haba ng panahon, at ang inirenew na kontrata ay fixed term rin.
Halimbawa: Kung napagkasunduan sa kontrata na ang bisa ay mula sa paggawa hanggang sa pagkabit ng tiyak na bilang ng mga pintuan at nakumpleto ng manggagawa ang ganitong bilang nga gawa, ang kontrata ay magwawakas sa pagtatapos ng gawain. Isa pang halimbawa: Kung ang kontrata ay likas na maaaring i-renew na mistulang pinagkasunduan sa kontrata ng pagkabit ng air conditioners sa isang gusaling mayroong 100 kwarto, at ang nakasaad sa kontrata ay para sa pagkabit ng 10 unit lamang, kapag natapos ang pagkabit ng 10 unit ngunit nagpatuloy na magtrabaho ang manggagawa pagkatapos nito, ang kontrata ay ituturing na inirenew para sa katulad na haba ng panahon at kondisyon, at, mananatili itong fixed term.
Kailan ako maaaring pahintulutan na tapusin ang aking kontrata?
Maaari mong tapusin ang iyong kontrata, ito man ay fixed o indefinite, na napananatili ang iyong karapatan hanggang sa katapusan ng iyong serbisyo, sa mga sumusunod na pagkakataon:
- Kung nilabag ng employer ang kanyang obligasyon sa kontrata, o sumuway sa labor law,
- Kung ikaw o ang miyembro ng iyong pamilya ay gumawa ng kilos na labag sa batas ng moralidad
- Kung ang iyong employer ay gumawa ng panloloko na kaugnay sa mga kondisyon ng kontrata
- Kung ikaw ay humaharap sa panganib sa kaligtasan o kalusugan, bastaât alam ng iyong employer ang mga panganib na ito at wala
siyang ginawa upang alisin ang mga ito
Maaari ba akong tanggalin ng employer sa aking posisyon at tapusin ang kontrata nang hindi nagpapasabi at walang ibinibigay na benepisyo?
Maaari niyang gawin ito sa ilalim ng mga sumusunod na pagkakataon:
- Kapag ikaw ay napatunayang nagpanggap na ibang tao o ibang nasyunalidad, nagpasa ng mga pekeng dokumento, at gumawa ng
pagkakamaling nagresulta sa pagkasayang nga mga kagamitan ng employer
- Kapag ikaw ay lumabag, nang higit sa isang beses, sa panuntunan ukol sa kaligtasan ng mga manggagawa at establisimiyento, sa kabila ng isang nasusulat na babala, kung saan ang panuntunang dapat sundin ay nakasulat at nakapaskil sa isang lugar na madaling makita.
- Kapag ikaw ay lumabag sa kontrata o sa labor law nang higit sa isang beses matapos tumanggap ng nasususlat na babala.
- Kapag ikaw ay natagpuang nasa impluwensya ng droga o alkohol sa loob ng oras ng trabaho
- Kapag ikaw ay gumawa ng pisikal na pag-atake sa iyong employer, manager at iba pang nasa mas mataas na katungkulan sa oras ng
trabaho
- Kapag inulit ang pang-aatake sa mga kasamahan sa trabaho sa kabila ng pagtataglay ng nasusulat na babala
- Pagliban sa trabaho nang walang lehitimong rason sa loob ng pitong magkakasundo na araw o labilimang magkakahiwalay na araw
sa loob ng isang taon
- Kapag ito ang hatol para sa isang crime of honor or honesty
Maaari ba akong tanggalin sa serbisyo habang ako ay nakaliban (leave) sa trabaho?
Hindi ka maaaring tanggalan ng kontrata o paalaman ng pagtanggal sa serbisyo habang ikaw ay naka-leave.
Maari bang mapawalang bisa o ma-terminate ang mga kontrata ng mga manggagawa dahil sa krisis?
May karapatan ang iyong employer na ipawalang bisa o i-terminate ang employment contract. Ngunit dapat ito ay isagawa ng naaayon sa batas paggawa o Labor Law ng Qatar, katulad ng pagsunod sa notice period at pagtiyak na ang lahat ng mga karampatang bayarin sa manggagawa ay nabayaran, pati na ticket sa eroplano pauwi sa bansa ng manggagawa.
Kailan ako obligadong magbayad ng halaga para sa travel ticket?
Ang employer ay obligadong magbayad para sa iyong travel ticket sa panahon ng recruitment at kapag nag-expire na ang iyong kontrata. Siya rin ang dapat magbayad ng halaga ng travel ticket para sa taunang leave kung ito ay nasasaad sa pinagkasunduang kontrata.
Ikaw ang dapat magbayad para sa travel ticket kung aalis ka sa trabaho, o kapag ikaw ay nagpasa ng resignation bago matapos ang kontrata nang walang legal na dahilan.
Ang employer ang dapat magbayad ng ticket sa isang indefinite contract sa wakas ng iyong paninilbihan.
Paano kukwentahin ang end of service bonus?
Ang end of service bonus ay iginagawad kapag ang haba ng paninilbihan ay isang buong taon o higit pa, at kinuwenta base sa bilang ng taon sa serbisyo. Ang kabayaran ay tinutukoy ng parehong partido. Ito ay hindi dapat bababa nang katumbas sa tatlong linggong sahod sa bawat taon ng serbisyo.
Kung hindi mo inaayunan ang opinyon ng employer kung paano bilangin ang taon sa serbisyo, maaari magsampa ng demanda ukol sa pagbilang ng taon ng serbisyo para sa pagkalkula ng bonus para dito.
Qatar Secures Place Among the World's Top 10 Wealthiest Nations
Hamad International Airport Witnesses Record Increase in Passenger Traffic
Saudi Arabia: Any visa holder can now perform Umrah
What are Qatar's Labour Laws on Annual Leave?
Leave a comment